16Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang pinto ng barko.
17Bumaha sa daigdig sa loob ng apatnapung araw. Habang tumataas ang tubig, inaangat naman nito ang barko mula sa lupa.
18Dumagsa ang tubig at pataas ito nang pataas, at lumulutang naman ang barko sa ibabaw nito.
19Tumaas pa nang lubusan ang tubig hanggang sa matakpan ang lahat ng matataas na bundok sa ilalim ng langit.
20At nang tumaas ang tubig at tinakpan ang mga bundok, halos pitong metro ang taas nito mula sa tuktok ng pinakamataas na bundok.