Mga Hebreo 2

Si Hesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya.

Hebrews 2:11 (UKJV) For both he that santifies and they who are sanctified are all of one: for which cause he is not ashamed to call them brethren,

9Ngunit ang nakita natin ay si Hesus na sa maikling panahon ay naging mas mababa ang kalagayan kaysa sa mga anghel. Ngunit ngayon ay binigyan siya ng kaluwalhatian at karangalan dahil dumanas siya ng matinding hirap at namatay siya para sa lahat; at ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

10Sapagkat hinangad ng Diyos na dalhin ang marami niyang mga anak patungo sa kaluwalhatian. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa kanyang sarili, kaya nararapat lamang na gawin niyang ganap si Hesus sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, upang maging pinuno nila na magdadala sa kanila sa kaligtasan.

11Si Hesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya.

12Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo. Aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”

13Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Diyos.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Diyos na kanyang ibinigay sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.