Mga Hebreo 2

Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo. Aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”

Hebrews 2:12 (UKJV) Saying, I will declare your name unto my brethren, in the midst of the church will I sing praise unto you.

10Sapagkat hinangad ng Diyos na dalhin ang marami niyang mga anak patungo sa kaluwalhatian. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa kanyang sarili, kaya nararapat lamang na gawin niyang ganap si Hesus sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, upang maging pinuno nila na magdadala sa kanila sa kaligtasan.

11Si Hesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya.

12Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo. Aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”

13Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Diyos.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Diyos na kanyang ibinigay sa akin.”

14At yamang ang mga anak ng Diyos na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Hesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.