12Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo. Aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”
13Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Diyos.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Diyos na kanyang ibinigay sa akin.”
14At yamang ang mga anak ng Diyos na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Hesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
15Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.
16Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Hesus kundi ang lahi ni Abraham.