Mga Hebreo 2

Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.

Hebrews 2:15 (UKJV) And deliver them who through fear of death were all their lifetime subject to bondage.

13Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Diyos.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Diyos na kanyang ibinigay sa akin.”

14At yamang ang mga anak ng Diyos na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Hesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

15Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.

16Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Hesus kundi ang lahi ni Abraham.

17Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Hesus, upang maging katulad siya ng mga kapatid niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.