Mga Hebreo 3

Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’

Hebrews 3:10 (UKJV) Wherefore I was grieved with that generation, and said, They do always go astray in their heart; and they have not known my ways.

8huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik laban sa akin doon sa ilang, nang subukin nila ako.

9Dooʼy sinubok nila ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.

10Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’

11Kaya sa galit koʼy sumumpa ako, ‘Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.’ ”

12Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa buháy na Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.