Mga Hebreo 3

huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik laban sa akin doon sa ilang, nang subukin nila ako.

Hebrews 3:8 (UKJV) Harden not your hearts, as in the provocation, in the day of temptation in the wilderness:

6Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.

7Kaya tulad ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya,

8huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik laban sa akin doon sa ilang, nang subukin nila ako.

9Dooʼy sinubok nila ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.

10Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.