7Kaya tulad ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya,
8huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik laban sa akin doon sa ilang, nang subukin nila ako.
9Dooʼy sinubok nila ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’
11Kaya sa galit koʼy sumumpa ako, ‘Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.’ ”