9Dooʼy sinubok nila ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’
11Kaya sa galit koʼy sumumpa ako, ‘Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.’ ”
12Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa buháy na Diyos.
13Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, upang walang sinuman sa inyo ang malinlang ng kasalanan na siyang nagpapatigas sa inyong puso.