Jeremias 1

Patuloy na nagbigay ng mensahe ang Panginoon kay Jeremias hanggang sa panahon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda at hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Zedequias na anak rin ni Josias. Nang ikalimang buwan ng taon na iyon, binihag ang mga taga-Jerusalem.

Jeremiah 1:3 (UKJV) It came also in the days of Jehoiakim the son of Josiah king of Judah, unto the end of the eleventh year of Zedekiah the son of Josiah king of Judah, unto the carrying away of Jerusalem captive in the fifth month.

1Ito ang mga pahayag ni Jeremias na anak ni Hilkias. Si Hilkias ay isa sa mga pari sa Anatot, sa lupain ng lahi ni Benjamin.

2Ibinigay ng Panginoon kay Jeremias ang kanyang mensahe noong ikalabintatlong taon ng paghahari sa Juda ni Josias, ang anak ni Haring Amon.

3Patuloy na nagbigay ng mensahe ang Panginoon kay Jeremias hanggang sa panahon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda at hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Zedequias na anak rin ni Josias. Nang ikalimang buwan ng taon na iyon, binihag ang mga taga-Jerusalem.

4Sinabi sa akin ng Panginoon,

5“Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang kita at itinalaga upang maging propeta sa mga bansa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.