Jeremias 1

Pagkatapos, hinipo ng Panginoon ang aking bibig at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo.

Jeremiah 1:9 (UKJV) Then the LORD put forth his hand, and touched my mouth. And the LORD said unto me, Behold, I have put my words in your mouth.

7Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo.

8Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita,” sabi ng Panginoon.

9Pagkatapos, hinipo ng Panginoon ang aking bibig at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo.

10Sa araw na ito itinatalaga ko sa iyo ang kapangyarihang magsalita sa mga bansa at mga kaharian. Sabihin mo na babagsak ang iba sa kanila at mawawasak, at ang iba naman ay muling babangon at magiging matatag.”

11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendra.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.