8Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita,” sabi ng Panginoon.
9Pagkatapos, hinipo ng Panginoon ang aking bibig at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo.
10Sa araw na ito itinatalaga ko sa iyo ang kapangyarihang magsalita sa mga bansa at mga kaharian. Sabihin mo na babagsak ang iba sa kanila at mawawasak, at ang iba naman ay muling babangon at magiging matatag.”
11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendra.”
12Sinabi ng Panginoon, “Tama ka, at nangangahulugan iyan na nagbabantay ako upang tiyaking matutupad ang mga sinabi ko.”