10Sa araw na ito itinatalaga ko sa iyo ang kapangyarihang magsalita sa mga bansa at mga kaharian. Sabihin mo na babagsak ang iba sa kanila at mawawasak, at ang iba naman ay muling babangon at magiging matatag.”
11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendra.”
12Sinabi ng Panginoon, “Tama ka, at nangangahulugan iyan na nagbabantay ako upang tiyaking matutupad ang mga sinabi ko.”
13Muling nagtanong ang Panginoon sa akin, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isa pong palayok na kumukulo ang laman at nakatagilid ito sa gawing hilaga.”
14Sinabi ng Panginoon sa akin, “Tama, sapagkat may panganib mula sa hilaga na darating sa lahat ng mamamayan sa lupaing ito.