Jeremias 1

Muling nagtanong ang Panginoon sa akin, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isa pong palayok na kumukulo ang laman at nakatagilid ito sa gawing hilaga.”

Jeremiah 1:13 (UKJV) And the word of the LORD came unto me the second time, saying, What see you? And I said, I see a seething pot; and the face thereof is toward the north.

11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendra.”

12Sinabi ng Panginoon, “Tama ka, at nangangahulugan iyan na nagbabantay ako upang tiyaking matutupad ang mga sinabi ko.”

13Muling nagtanong ang Panginoon sa akin, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isa pong palayok na kumukulo ang laman at nakatagilid ito sa gawing hilaga.”

14Sinabi ng Panginoon sa akin, “Tama, sapagkat may panganib mula sa hilaga na darating sa lahat ng mamamayan sa lupaing ito.

15Ipapadala ko ang mga sundalo ng mga kaharian mula sa hilaga para salakayin ang Jerusalem. Ilalagay ng kanilang mga hari ang kanilang mga trono sa mga pintuan ng Jerusalem. Gigibain nila ang mga pader sa palibot nito at ang iba pang mga bayan ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.