11Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga diyos, “Ang inyong mga diyos na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.”
12Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan, at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman.
13Sa kanyang utos ay lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalawakan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito.
14Lahat ng tao ay mga mangmang at walang pang-unawa. Mapapahiya ang bawat platerong gumawa ng mga diyos-diyosan niya. Kalokohan lamang ang mga ito dahil wala naman silang hininga.
15Wala silang kabuluhan at dapat kamuhian. Ang araw ay darating na silang lahat ay wawasakin.