Jeremias 10

Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan, at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman.

Jeremiah 10:12 (UKJV) He has made the earth by his power, he has established the world by his wisdom, and has stretched out the heavens by his discretion.

10Ngunit ang Panginoon ang tunay na Diyos. Siya ang Diyos na buháy at walang hanggang Hari. Kapag siyaʼy nagagalit, nayayanig ang daigdig, at walang bansa na makatatagal sa tindi ng kanyang galit.

11Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga diyos, “Ang inyong mga diyos na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.”

12Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan, at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman.

13Sa kanyang utos ay lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalawakan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito.

14Lahat ng tao ay mga mangmang at walang pang-unawa. Mapapahiya ang bawat platerong gumawa ng mga diyos-diyosan niya. Kalokohan lamang ang mga ito dahil wala naman silang hininga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.