Jeremias 10

Ituwid po ninyo kami Panginoon, nang nararapat sa amin. Huwag po ninyo itong gawin nang dahil sa inyong galit, baka wala nang matira sa amin.

Jeremiah 10:24 (UKJV) O LORD, correct me, but with judgment; not in yours anger, lest you bring me to nothing.

22Pakinggan ninyo ang malakas na ingay ng mga sundalo na dumarating mula sa hilaga! Wawasakin nila ang mga bayan ng Juda at magiging tirahan na lang ito ng mga asong-gubat.

23Panginoon, alam ko pong ang buhay ng tao ay hindi kanya. Hindi siya ang may hawak ng kanyang kinabukasan.

24Ituwid po ninyo kami Panginoon, nang nararapat sa amin. Huwag po ninyo itong gawin nang dahil sa inyong galit, baka wala nang matira sa amin.

25Ipadama po ninyo ang inyong galit sa mga bansang hindi kumikilala sa inyo at sa mga taong hindi dumudulog sa inyo. Sapagkat inubos po nila ang lahi ni Jacob at winasak ang kanilang mga tahanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.