23Panginoon, alam ko pong ang buhay ng tao ay hindi kanya. Hindi siya ang may hawak ng kanyang kinabukasan.
24Ituwid po ninyo kami Panginoon, nang nararapat sa amin. Huwag po ninyo itong gawin nang dahil sa inyong galit, baka wala nang matira sa amin.
25Ipadama po ninyo ang inyong galit sa mga bansang hindi kumikilala sa inyo at sa mga taong hindi dumudulog sa inyo. Sapagkat inubos po nila ang lahi ni Jacob at winasak ang kanilang mga tahanan.