17Ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagtayo sa Juda at Israel, pero ngayon ay iniutos niyang wasakin ang mga ito, dahil masama ang ginagawa nila. Ginalit nila ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog ng mga sinusunog na insenso kay Baal.
18Sinabi sa akin ng Panginoon ang tungkol sa balak ng mga kaaway laban sa akin.
19Tulad ako ng isang tupang dinadala sa katayan nang hindi ko nalalaman. Hindi ko alam na may balak pala silang patayin ako. Sinabi nila, “Patayin natin siya katulad ng pagputol sa isang puno na may mga bunga, upang mawala siya sa mundo at hindi na maalala.”
20Ngunit kayo, O Panginoon ng mga Hukbo, matuwid po ang inyong paghatol. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita po ninyo sa akin ang paghihiganti ninyo sa kanila, sapagkat ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!
21Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga taga-Anatot na gustong mamatay ako. Sinabi nila, “Papatayin ka namin kapag hindi ka tumigil sa pagpropesiya sa pangalan ng Panginoon.”