Jeremias 11

Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Parurusahan ko sila. Mamamatay sa digmaan ang kanilang mga kabataang lalaki at mamamatay sa gutom ang kanilang mga anak.

Jeremiah 11:22 (UKJV) Therefore thus says the LORD of hosts, Behold, I will punish them: the young men shall die by the sword; their sons and their daughters shall die by famine:

20Ngunit kayo, O Panginoon ng mga Hukbo, matuwid po ang inyong paghatol. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita po ninyo sa akin ang paghihiganti ninyo sa kanila, sapagkat ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!

21Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga taga-Anatot na gustong mamatay ako. Sinabi nila, “Papatayin ka namin kapag hindi ka tumigil sa pagpropesiya sa pangalan ng Panginoon.”

22Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Parurusahan ko sila. Mamamatay sa digmaan ang kanilang mga kabataang lalaki at mamamatay sa gutom ang kanilang mga anak.

23Walang matitirang buhay sa mga taga-Anatot, dahil malilipol sila sa oras na parusahan ko na sila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.