1Panginoon, palaging makatarungan ang inyong tugon, sa tuwing akoʼy dumaraing. Ngunit ngayon, ako ay may tanong tungkol sa inyong katarungan: Bakit po umuunlad ang masasamang tao? Bakit po mapayapa ang buhay ng mga taong taksil sa inyo?
2Pinagpapala ninyo sila tulad ng punongkahoy na nag-uugat, lumalago, at namumunga. Pinupuri nila kayo sa kanilang mga bibig ngunit hindi ito galing sa kanilang puso.
3Ngunit kilala ninyo ako Panginoon. Nakikita ninyo ang aking mga ginagawa at alam ninyo kung ano ang nasa puso ko. Kaladkarin ninyo ang mga taong ito na tulad ng mga tupa patungo sa katayan. Ibukod po ninyo sila upang katayin.