9Naging kasuklam-suklam sila sa akin na parang ibong mandaragit. At sila mismoʼy napapalibutan ng mga ibong mandaragit. Titipunin ko ang mababangis na hayop upang kainin sila nito.
10Wawasakin ng maraming pinuno ang Juda na itinuturing kong aking ubasan. Tatapak-tapakan nila itong magandang lupain at gagawing ilang.
11Gagawin nila itong malungkot na lugar at magiging walang kabuluhan sa akin. Magiging ilang ang lupaing ito, dahil wala nang magmamalasakit dito.
12Darating ang mga mangwawasak sa lugar na ilang. Gagamitin sila Panginoon bilang espada na wawasak sa buong lupain, at walang makakatakas.
13Magtatanim ng trigo ang mga mamamayan ko, ngunit aani sila ng tinik. Magtatrabaho sila nang husto pero wala silang pakikinabangan. Mag-aani sila ng kahihiyan dahil sa matinding galit ng Panginoon.”