3Ngunit kilala ninyo ako Panginoon. Nakikita ninyo ang aking mga ginagawa at alam ninyo kung ano ang nasa puso ko. Kaladkarin ninyo ang mga taong ito na tulad ng mga tupa patungo sa katayan. Ibukod po ninyo sila upang katayin.
4Hanggang kailan po kaya ang pagkatuyo ng lupa at ang pagkalanta ng mga damo? Namamatay na po ang mga hayop at mga ibon dahil sa kasamaan ng mga tao sa lupaing ito. Sapagkat sinasabi pa nila, “Walang pakialam ang Diyos sa sasapitin natin.”
5Sinabi ng Panginoon, “Jeremias, kung napapagod ka sa pakikipaghabulan sa mga tao, di lalo na sa mga kabayo? Kung nadadapa ka sa lugar na patag, di lalo na sa kagubatang malapit sa Ilog Jordan?
6Kahit na ang iyong mga kapatid at kamag-anak ay nagtaksil sa iyo. Nagbalak sila ng masama laban sa iyo. Huwag kang magtiwala sa kanila kahit na mabuti ang sinasabi nila.
7“Itatakwil ko ang mga mamamayan ko, ang bansang pag-aari ko. Ibibigay ko ang minamahal ko, ang aking mga mamamayan, sa kanilang mga kaaway.