Jeremias 13

Pagkatapos, sinabing muli sa akin ng Panginoon,

Jeremiah 13:3 (UKJV) And the word of the LORD came unto me the second time, saying,

1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Lumakad ka at bumili ng sinturon na gawa sa pinong lino. Itali mo ito sa baywang mo, pero huwag mong lalabhan.”

2Kaya bumili ako ng sinturon at pagkatapos, itinali ko ito sa baywang ko ayon sa sinabi ng Panginoon.

3Pagkatapos, sinabing muli sa akin ng Panginoon,

4“Tanggalin mo ang sinturon na binili mo at pumunta ka malapit sa Ilog Eufrates at itago mo roon ang sinturon sa biyak ng bato.”

5Kaya pumunta ako sa may Ilog Eufrates at itinago ko roon ang sinturon ayon sa sinabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.