2Kaya bumili ako ng sinturon at pagkatapos, itinali ko ito sa baywang ko ayon sa sinabi ng Panginoon.
3Pagkatapos, sinabing muli sa akin ng Panginoon,
4“Tanggalin mo ang sinturon na binili mo at pumunta ka malapit sa Ilog Eufrates at itago mo roon ang sinturon sa biyak ng bato.”
5Kaya pumunta ako sa may Ilog Eufrates at itinago ko roon ang sinturon ayon sa sinabi ng Panginoon.
6Pagkaraan ng mahabang panahon, muling sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa Ilog Eufrates at kunin mo ang sinturon na ipinatago ko sa iyo roon.”