7Kaya pumunta ako sa Ilog Eufrates at kinuha ko ang sinturon sa pinagtaguan ko, pero sira na iyon at hindi na mapapakinabangan.
8Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:
9“Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Ganyan din ang mangyayari sa Juda na mapagmataas at sa higit na pagmamataas ng Jerusalem.
10Ayaw sumunod ng masasamang taong ito sa mga sinasabi ko. Sinusunod nila ang nais ng matitigas nilang puso na naglilingkod at sumasamba sa mga diyos-diyosan. Kaya matutulad sila sa sinturon na iyan na hindi na mapapakinabangan.
11Kung papaano sanang ang sinturon ay nakakapit nang mahigpit sa baywang ng tao, nais ko rin sanang ang lahat ng mamamayan ng Israel at Juda ay kumapit nang mahigpit sa akin,’ sabi ng Panginoon. ‘Hinirang ko sila upang papurihan nila ako at parangalan, pero ayaw nilang makinig sa akin.’