5Kaya pumunta ako sa may Ilog Eufrates at itinago ko roon ang sinturon ayon sa sinabi ng Panginoon.
6Pagkaraan ng mahabang panahon, muling sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa Ilog Eufrates at kunin mo ang sinturon na ipinatago ko sa iyo roon.”
7Kaya pumunta ako sa Ilog Eufrates at kinuha ko ang sinturon sa pinagtaguan ko, pero sira na iyon at hindi na mapapakinabangan.
8Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:
9“Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Ganyan din ang mangyayari sa Juda na mapagmataas at sa higit na pagmamataas ng Jerusalem.