5Kahit ang usa ay iniwanan ang anak niya na kasisilang pa lang dahil wala nang sariwang damo.
6Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat. Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.”
7Sinabi ng mga tao, “O Panginoon, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Ngunit tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan.
8O Panginoon, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit parang naging dayuhan kayo rito sa amin? Bakit naging parang manlalakbay kayo na tumitigil lang ng isang gabi sa aming bansa?
9Katulad rin po ba kayo ng taong walang magagawa at sundalong walang kakayahang magligtas? Kasama namin kayo, O Panginoon, at kami ay inyong mga mamamayan, kaya huwag po ninyo kaming pababayaan.”