11Sinabi ng Panginoon, “Tiyak na ikaw ay aking ililigtas para sa mabuting layunin; tinitiyak kong ang iyong mga kaaway ay magmamakaawa sa iyo sa panahon ng kalamidad at kahirapan.
12“Kung papaanong walang makakabali ng piraso ng bakal o tanso, wala ring makakatalo sa mga kaaway na galing sa hilaga.
13“Ipapasamsam ko sa mga kaaway ninyo ang inyong mga kayamanan at ari-arian dahil sa mga kasalanang inyong ginawa sa buong bansa.
14Ipapaalipin ko kayo sa inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, at ipadarama ko sa inyo ang aking galit na parang nagliliyab na apoy.”
15Sinabi ko, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat! Alalahanin at tulungan po ninyo ako. Ipaghiganti ninyo ako sa mga umuusig sa akin. Alam kong hindi kayo madaling magalit, kaya huwag po ninyo akong hayaang mamatay. Alalahanin po ninyo ang mga paghihirap ko dahil sa inyo.