1Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Juda, nakaukit sa matigas ninyong mga puso ang mga kasalanan nʼyo na parang mga salitang nakaukit sa bato o sa sungay na nasa sulok ng inyong mga altar.
2Kahit ang mga anak ninyoʼy sumasamba sa inyong mga altar at sa mga posteng simbolo ng diyosang si Ashera sa ilalim ng mayayabong na puno at sa itaas ng mga bundok.
3Kaya ipapasamsam ko sa mga kaaway ninyo ang inyong mga kayamanan at ari-arian, pati ang mga sambahan ninyo sa matataas na lugar, dahil sa mga kasalanang ginawa ninyo sa buong bansa.