10“Ngunit ako, ang Panginoon, ay sumisiyasat sa puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.”
11Ang taong yumaman sa masamang paraan ay tulad ng ibong nililimliman ang hindi niya itlog. Sa bandang huli, sa kalagitnaan ng kanyang buhay, mawawala ang kanyang kayamanan at lalabas na siyaʼy hangal.
12Panginoon, mula pa noong una, ang inyong trono ng kaluwalhatian sa kaitaasan, ito ang lugar ng aming kanlungan.
13Kayo po Panginoon, ang pag-asa ng Israel. Mapapahiya ang lahat ng magtatakwil sa inyo. Malilibing po sila sa ilalim ng lupa, dahil itinakwil po nila kayo, kayo na bukal na nagbibigay ng buhay.
14Panginoon, pagalingin nʼyo po ako at gagaling ako; iligtas nʼyo po ako at maliligtas ako. At kayo lang ang tangi kong pupurihin.