12Panginoon, mula pa noong una, ang inyong trono ng kaluwalhatian sa kaitaasan, ito ang lugar ng aming kanlungan.
13Kayo po Panginoon, ang pag-asa ng Israel. Mapapahiya ang lahat ng magtatakwil sa inyo. Malilibing po sila sa ilalim ng lupa, dahil itinakwil po nila kayo, kayo na bukal na nagbibigay ng buhay.
14Panginoon, pagalingin nʼyo po ako at gagaling ako; iligtas nʼyo po ako at maliligtas ako. At kayo lang ang tangi kong pupurihin.
15Sinabi po sa akin ng mga tao, “Nasaan na ang mga sinabi ng Panginoon? Bakit hindi pa rin ito nangyayari hanggang ngayon?”
16O Panginoon, hindi po ako nagpabaya sa aking gawain bilang tagapagbantay ng inyong mga mamamayan. Hindi ko po hinangad na ipahamak ninyo sila. Alam po ninyo ang mga sinabi ko.