Jeremias 18

Kaya ito ang sinabi ng Panginoon, “Tanungin ninyo sa ibang mga bansa kung may narinig na silang ganitong pangyayari? Ang mga mamamayan ng Israel ay nanatili sanang isang birhen, ngunit kasuklam-suklam ang mga bagay na ginawa nila!

Jeremiah 18:13 (UKJV) Therefore thus says the LORD; Ask all of you now among the heathen, who has heard such things: the virgin of Israel has done a very horrible thing.

11“Kaya sabihin mo sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Makinig kayo! May binabalak akong kaparusahan para sa inyo. Kaya tumigil na kayo sa masasama ninyong pag-uugali. Ang bawat isa sa inyo ay magbago na ng ginagawa at pag-uugali.’

12Ngunit sasagot ang mga tao, ‘Hindi maaari! Ipagpapatuloy pa rin namin ang aming gusto; susundin namin ang nais ng matitigas at masasama naming puso.’ ”

13Kaya ito ang sinabi ng Panginoon, “Tanungin ninyo sa ibang mga bansa kung may narinig na silang ganitong pangyayari? Ang mga mamamayan ng Israel ay nanatili sanang isang birhen, ngunit kasuklam-suklam ang mga bagay na ginawa nila!

14Natutunaw ba ang yelo sa mababatong bundok ng Lebanon? Natutuyo ba ang malalamig na batis doon? Hindi!

15Ngunit ang aking mga mamamayan ay nakalimot na sa akin. Nagsusunog sila ng insenso sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Iniwan nila ang tama at dating daan, at doon sila dumaan sa daang hindi mabuti kung saan silaʼy nadapa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.