Jeremias 19

Ang lahat ng bahay sa Jerusalem, pati ang palasyo ng hari ng Juda ay ituturing na marumi katulad ng Tofet. Sapagkat sa bubungan ng mga bahay na ito ay nagsunog sila ng mga insenso para sa kanilang diyos na mga bituin, at nag-alay ng mga handog na inumin para sa mga diyos.”

Jeremiah 19:13 (UKJV) And the houses of Jerusalem, and the houses of the kings of Judah, shall be defiled as the place of Tophet, because of all the houses upon whose roofs they have burned incense unto all the host of heaven, and have poured out drink offerings unto other gods.

11Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo ay nagsasabing wawasakin ko ang bansa ng Juda at ang lungsod ng Jerusalem katulad ng pagbasag ko sa bangang ito na hindi na muling mabubuo. Ililibing nila ang maraming bangkay sa Tofet hanggang sa wala nang mapaglibingan.

12Ito ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga mamamayan nito, sabi ng Panginoon. Ituturing kong marumi ang lungsod na ito gaya ng Tofet.

13Ang lahat ng bahay sa Jerusalem, pati ang palasyo ng hari ng Juda ay ituturing na marumi katulad ng Tofet. Sapagkat sa bubungan ng mga bahay na ito ay nagsunog sila ng mga insenso para sa kanilang diyos na mga bituin, at nag-alay ng mga handog na inumin para sa mga diyos.”

14Nang masabi na ni Jeremias ang propesiya ng Panginoon, umalis siya sa Tofet at pumunta sa bulwagan ng templo ng Panginoon at sinabi sa mga tao,

15“Makinig kayo, dahil ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Ipapadala ko sa lungsod na ito at sa mga baryo sa palibot ang sinabi kong parusa dahil matigas ang ulo nila at ayaw nilang makinig sa mga sinabi ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.