19Ililibing siya katulad ng paglilibing sa patay na asno; kakaladkarin ang kanyang bangkay at itatapon sa labas ng pintuan ng Jerusalem.”
20“Mga taga-Juda, umiyak kayo dahil wala na kayong mga kakamping bansa. Hanapin ninyo sila sa Lebanon. Tawagin ninyo sila sa Bashan at Abarim.
21Binigyan ko kayo ng babala noong panatag pa kayo, ngunit hindi kayo nakinig sa akin. Talagang ganyan na ang ugali ninyo mula noong bata pa kayo; hindi kayo sumusunod sa akin.
22Kaya ikakalat ko ang mga pinuno ninyo na tulad ng ipang tinatangay ng hangin, at bibihagin din ang mga kakampi ninyong bansa. Talagang mapapahiya kayo dahil sa kasamaan ninyo.
23Kayong mga nakatira sa palasyo ng Jerusalem na gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon, kahabag-habag kayo kapag dumating na sa inyo ang paghihirap, na parang babaeng naghihirap sa panganganak.