16Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Huwag kayong maniniwala sa sinasabi ng mga bulaang propetang ito. Pinapaasa lang nila kayo sa mga kasinungalingan. Hindi galing sa akin ang mga sinasabi nilang pangitain kundi sa sarili nilang isipan.
17Palagi nilang sinasabi sa mga humahamak sa aking salita: ‘Sabi ng Panginoon, Magiging mabuti ang kalagayan ninyo.’ At sa mga sumusunod sa nagmamatigas nilang puso, sinasabi nila, ‘Walang masamang mangyayari sa inyo.’
18Ngunit sino sa mga propetang iyon ang nakakaalam ng iniisip ng Panginoon? Ni hindi nga sila nakinig sa mga salita ko o pinahalagahan man lang ang mga sinabi ko.
19Makinig kayo! Ang galit koʼy parang bagyo, sabi ng Panginoon o buhawing hahampas sa ulo ng masasamang taong ito.
20Hindi mawawala ang galit ng Panginoon hanggaʼt hindi niya nagagawa ang balak niyang gawin. At sa huling araw, lubos ninyong mauunawaan ito.