23“Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi sa iisang lugar lamang,” sabi ng Panginoon.
24“Sino ang makapagtatago sa akin sa lihim na lugar? Hindi baʼt akoʼy nasa lahat ng sulok ng langit at lupa?” sabi ng Panginoon.
25“Narinig ko ang mga sinabi ng mga propetang nagsasalita ng kasinungalingan sa pangalan ko. Sinasabi nilang binigyan ko raw sila ng mensahe sa pamamagitan ng panaginip.
26Hanggang kailan pa kaya magsasalita ng kasinungalingan ang mga propetang ito na may mapanlinlang na propesiyang gawa-gawa lamang ng kanilang isip?
27Sa pamamagitan ng mga panaginip nilang iyon na sinasabi nila sa mga tao, itinutulak nila ang mga mamamayan ko upang kalimutan nila ako, gaya ng paglimot sa akin ng mga ninuno nila sa pamamagitan ng pagsamba nila kay Baal.