26Hanggang kailan pa kaya magsasalita ng kasinungalingan ang mga propetang ito na may mapanlinlang na propesiyang gawa-gawa lamang ng kanilang isip?
27Sa pamamagitan ng mga panaginip nilang iyon na sinasabi nila sa mga tao, itinutulak nila ang mga mamamayan ko upang kalimutan nila ako, gaya ng paglimot sa akin ng mga ninuno nila sa pamamagitan ng pagsamba nila kay Baal.
28Hayaan ninyong magsalita ang mga propetang ito ng tungkol sa mga panaginip nila, ngunit ang mga propetang nakarinig ng aking mga salita ay dapat magpahayag nito nang buong katapatan. Sapagkat magkaiba ang mga panaginip nila kaysa sa mga salita ko, gaya ng pagkakaiba ng dayami sa trigo,” sabi ng Panginoon.
29“Hindi baʼt makapangyarihan ang aking mga salita?” sabi ng Panginoon. “Itoʼy katulad ng apoy na nakakasunog o ng martilyong nakakadurog ng bato.
30“Kaya laban ako sa mga propetang ginagaya lang ang mensahe ng kapwa nila propeta at sinasabi nila na galing daw ito sa akin.