Jeremias 23

Laban din ako sa mga propetang gumagawa ng sariling mensahe,” sabi ng Panginoon, “at saka sasabihing ako raw ang nagsabi niyon.

Jeremiah 23:31 (UKJV) Behold, I am against the prophets, says the LORD, that use their tongues, and say, He says.

29“Hindi baʼt makapangyarihan ang aking mga salita?” sabi ng Panginoon. “Itoʼy katulad ng apoy na nakakasunog o ng martilyong nakakadurog ng bato.

30“Kaya laban ako sa mga propetang ginagaya lang ang mensahe ng kapwa nila propeta at sinasabi nila na galing daw ito sa akin.

31Laban din ako sa mga propetang gumagawa ng sariling mensahe,” sabi ng Panginoon, “at saka sasabihing ako raw ang nagsabi niyon.

32Nagpapahayag sila ng mga panaginip na hindi totoo, kaya inililigaw nila ang mga mamamayan ko sa mga kasinungalingan nila. Hindi ko sila isinugo o sinabihang magsalita, kaya wala silang kabutihang maibibigay sa mga tao,” sabi ng Panginoon.

33“Jeremias, kung may magtatanong sa iyo na isang mamamayan, o propeta, o pari sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Panginoon, sabihin mong ipinasasabi kong itatakwil sila ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.