33“Jeremias, kung may magtatanong sa iyo na isang mamamayan, o propeta, o pari sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Panginoon, sabihin mong ipinasasabi kong itatakwil sila ng Panginoon.
34Kapag may propeta, o pari, o sinumang magsasabi na siya raw ay may mensahe na galing daw sa Panginoon, parurusahan ko ang taong iyon pati ang sambahayan niya.
35Mas mabuti pang magtanong na lang siya sa mga kaibigan o mga kamag-anak niya kung ano ang ipinasasabi ng Panginoon,
36kaysa sabihin niya, ‘May mensahe ako mula sa Panginoon.’ Dahil ginagamit ito ng iba upang mapaniwala nila ang kanilang kapwa, kaya binaluktot nila ang ipinasasabi ng buháy na Diyos, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo.
37“Jeremias, kapag nagtanong ka sa isang propeta kung may mensahe siya mula sa Panginoon