35Mas mabuti pang magtanong na lang siya sa mga kaibigan o mga kamag-anak niya kung ano ang ipinasasabi ng Panginoon,
36kaysa sabihin niya, ‘May mensahe ako mula sa Panginoon.’ Dahil ginagamit ito ng iba upang mapaniwala nila ang kanilang kapwa, kaya binaluktot nila ang ipinasasabi ng buháy na Diyos, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo.
37“Jeremias, kapag nagtanong ka sa isang propeta kung may mensahe siya mula sa Panginoon
38at sasabihin niya, ‘Oo, may mensahe ako mula sa Panginoon.’ Kinakailangang sabihin mo sa kanya na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sapagkat sinabi mong may mensahe ka mula sa akin, kahit pinagbawalan kitang magsabi ng ganoon,
39kakalimutan at palalayasin kita sa harapan ko. At pababayaan ko ang lungsod na ito na ibinigay ko sa mga ninuno mo.