Jeremias 25

Sinisimulan ko na ang pagpapadala ng kaparusahan sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ko para sa aking kapurihan. Akala nʼyo baʼy hindi ko kayo parurusahan? Parurusahan ko kayo! Sapagkat paglalabanin ko ang lahat ng bansa sa buong daigdig, wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.’

Jeremiah 25:29 (UKJV) For, lo, I begin to bring evil on the city which is called by my name, and should all of you be utterly unpunished? All of you shall not be unpunished: for I will call for a sword upon all the inhabitants of the earth, says the LORD of hosts.

27Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, “Sabihin mo sa mga bansang ito na sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel sa kanila: ‘Sige, uminom kayo sa tasa ng galit ko hanggang sa malasing, magsuka, at mabuwal kayo, at hindi na makabangon, dahil ipapadala ko sa inyo ang digmaan.’

28Ngunit kung ayaw nilang uminom, sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo ay nagsasabi, ‘Kinakailangang uminom kayo!

29Sinisimulan ko na ang pagpapadala ng kaparusahan sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ko para sa aking kapurihan. Akala nʼyo baʼy hindi ko kayo parurusahan? Parurusahan ko kayo! Sapagkat paglalabanin ko ang lahat ng bansa sa buong daigdig, wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.’

30“Jeremias, ipahayag mo sa kanila ang lahat ng sinabi ko, at sabihin mo: ‘Sisigaw ang Panginoon mula sa langit; dadagundong ang tinig niya mula sa banal niyang tahanan. Sisigaw siya nang malakas sa mga hinirang niya. Sisigaw din siya sa lahat ng naninirahan sa daigdig na parang taong sumisigaw habang nagpipisa ng ubas.

31Maririnig ang tinig niya sa buong daigdig, dahil ihahabla niya ang mga bansa. Hahatulan niya ang lahat, at ipapapatay niya sa digmaan ang masasamâ,’ ” wika ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.