Jeremias 27

Huwag kayong maniwala sa sinasabi ng mga propeta na maglilingkod kayo sa hari ng Babilonia, dahil kasinungalingan ang sinasabi nila sa inyo.

Jeremiah 27:14 (UKJV) Therefore hearken not unto the words of the prophets that speak unto you, saying, All of you shall not serve the king of Babylon: for they prophesy a lie unto you.

12Ito rin ang sinabi ko kay Haring Zedequias ng Juda. Sinabi ko, “Magpasakop kayo sa hari ng Babilonia. Maglingkod kayo sa kanya at sa mga mamamayan niya at mabubuhay kayo.

13Sapagkat kung hindi, mamamatay kayo at ang mga mamamayan nʼyo sa digmaan, gutom at sakit gaya ng sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga bansang hindi maglilingkod sa hari ng Babilonia.

14Huwag kayong maniwala sa sinasabi ng mga propeta na maglilingkod kayo sa hari ng Babilonia, dahil kasinungalingan ang sinasabi nila sa inyo.

15Ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Hindi ko sinugo ang mga propetang iyan. Nagsasalita sila ng kasinungalingan sa pangalan ko. Kaya kung maniniwala kayo sa kanila, palalayasin ko kayo at lilipulin pati ang mga propetang iyan.’ ”

16Pagkatapos, sinabi ko sa mga pari at sa lahat ng tao, “Sinabi ng Panginoon na huwag kayong maniniwala sa mga propetang nagsasabing malapit nang ibalik ang mga kagamitan ng templo mula sa Babilonia. Kasinungalingan iyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.