18Kung talagang mga propeta sila at galing sa Panginoon ang sinasabi nila, manalangin sila sa Panginoon ng mga Hukbo na ang mga kagamitang naiwan sa templo, sa palasyo ng hari ng Juda at sa Jerusalem ay huwag nang dalhin sa Babilonia.
19Sapagkat sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo na ang mga tansong haligi ng templo, ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat, mga karwahe, at ang iba pang mga kagamitan sa lungsod na ito ay dadalhin sa Babilonia.
20Ang mga nasabing kagamitan ay hindi dinala ni Haring Nebucadnezar sa Babilonia noong binihag niya si Haring Jehoyakin na anak ni Haring Jehoiakim ng Juda, kasama ng mga maharlika ng Juda at Jerusalem.
21Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga bagay na naiwan sa Templo Panginoon at sa palasyo ng hari ng Juda at sa Jerusalem:
22‘Dadalhin sa Babilonia ang mga kagamitang ito at mananatili roon,’ sabi ng Panginoon. ‘At kukunin ko ang mga ito at ibabalik sa Jerusalem.’ ”