4Pababalikin ko rin dito si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim at ang lahat ng taga-Juda na binihag sa Babilonia, dahil wawakasan ko na ang kapangyarihan ng hari ng Babilonia. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
5Pagkatapos, sumagot si Propeta Jeremias kay Propeta Hananias roon sa harap ng mga pari at mga tao sa templo ng Panginoon.
6Sinabi niya, “Amen! Gawin sana iyon ng Panginoon! Sanaʼy gawin ng Panginoon ang sinabi mong dadalhin niya pabalik dito ang mga kagamitan ng templo at ang lahat ng bihag sa Babilonia.
7Ngunit pakinggan mo itong sasabihin ko sa iyo at sa lahat ng nakikinig dito.
8Ang mga propetang nauna sa atin ay nagsabi noon na darating ang digmaan, gutom, at sakit sa maraming bansa at mga tanyag na kaharian.