Jeremias 29

Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo.

Jeremiah 29:12 (UKJV) Then shall all of you call upon me, and all of you shall go and pray unto me, and I will hearken unto you.

10“Sinasabi ng Panginoon, ‘Pagkatapos ng pitumpung taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo.

11Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

12Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo.

13Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.

14Oo, matatagpuan ko kayo,’ sabi ng Panginoon, ‘at ibabalik mula sa pagkakabihag. Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.