12Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo.
13Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.
14Oo, matatagpuan ko kayo,’ sabi ng Panginoon, ‘at ibabalik mula sa pagkakabihag. Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.’
15“Baka sabihin ninyong nagsugo ang Panginoon sa inyo ng mga propeta diyan sa Babilonia,
16pero ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa haring nagmula sa angkan ni David at sa lahat ng kababayan ninyo na naiwan sa lungsod ng Jerusalem na hindi nabihag kasama ninyo: