Jeremias 29

Isinulat niya ito pagkatapos na mabihag si Haring Jehoyakin, ang kanyang inang reyna, ang mga namamahala sa palasyo, mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mahuhusay na panday at manggagawa.

Jeremiah 29:2 (UKJV) (After that Jeconiah the king, and the queen, and the eunuchs, the princes of Judah and Jerusalem, and the carpenters, and the smiths, were departed from Jerusalem;)

1Mula sa Jerusalem, sumulat si Jeremias sa mga tagapamahala, mga pari, mga propeta, at sa iba pang mga bihag na dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Isinulat niya ito pagkatapos na mabihag si Haring Jehoyakin, ang kanyang inang reyna, ang mga namamahala sa palasyo, mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mahuhusay na panday at manggagawa.

3At ibinigay ni Jeremias ang sulat kina Elasa na anak ni Safan at Gemarias na anak ni Hilkias. Sila ang sinugo ni Haring Zedequias na hari ng Juda kay Nebucadnezar sa Babilonia. Ito ang nakasaad sa sulat:

4“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, sa lahat ng taga-Jerusalem na ipinabihag niya sa Babilonia:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.