Jeremias 29

‘Hinirang ka ng Panginoon bilang pari na papalit kay Joiada upang maging tagapamahala ng templo. Katungkulan mo ang pagdakip at paglalagay ng kadena sa leeg ng sinumang hangal na nagsasabing propeta siya.

Jeremiah 29:26 (UKJV) The LORD has made you priest in the position of Jehoiada the priest, that all of you should be officers in the house of the LORD, for every man that is mad, and makes himself a prophet, that you should put him in prison, and in the stocks.

24Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagbigay sa akin ng mensahe para kay Semaias na taga-Nehelam. “Ito ang sinabi niya: Semaias, sa pamamagitan ng pangalan mo lang ay nagpadala ka ng sulat kay Zefanias na anak ni Maaseya na pari, at pinadalhan mo rin ng kopya ang iba pang mga pari, at ang lahat ng taga-Jerusalem. Ayon sa sulat mo kay Zefanias, sinabi mo,

26‘Hinirang ka ng Panginoon bilang pari na papalit kay Joiada upang maging tagapamahala ng templo. Katungkulan mo ang pagdakip at paglalagay ng kadena sa leeg ng sinumang hangal na nagsasabing propeta siya.

27Bakit hindi mo pinigilan si Jeremias na taga-Anatot na nagsasabing propeta siya diyan sa inyo?

28Sumulat pa siya rito sa amin sa Babilonia na kami raw ay magtatagal pa rito. Kaya ayon sa kanya, magtayo kami ng mga bahay at manirahan sa mga ito, magtanim at kainin ang aming ani.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.