21“May naririnig na mga ingay sa itaas ng bundok. Nag-iiyakan at nagmamakaawa ang mga mamamayan ng Israel dahil naging masama ang kanilang pamumuhay at kinalimutan nila ako, ang Panginoon na kanilang Diyos.
22“Kayong mga naliligaw kong anak, manumbalik kayo sa akin at itutuwid ko ang inyong kataksilan. “Opo, kami po ay lalapit sa inyo sapagkat kayo ang Panginoon naming Diyos.
23Talagang mali po ang pagsamba namin sa mga diyos-diyosan sa mga bundok. Sa inyo lamang ang kaligtasan ng Israel, Panginoon naming Diyos.
24Mula pa sa aming kabataan, nakinabang ang mga nakakahiyang diyos-diyosan sa mga pinaghirapan ng aming mga ninuno ang kanilang mga kawan at bakahan, at ang kanilang mga anak na lalaki at babae.
25Dapat nga po kaming magtago dahil sa kamiʼy nahihiya. Sapagkat kami at ang aming mga ninuno, sa inyo ay nagkasala, Panginoon naming Diyos. Mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, hindi po kami sumunod sa inyo.”